Author and credit : Department of Agriculutre RFO-4A Facebook Page

Nakiisa ang Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) High Value Crops Development Program (HVCDP) sa isinagawang Onion Harvest Festival ng farmers association ng Brgy. Biga, Tanza, Cavite noong Marso 17.

Kaugnay ang aktibidad sa varietal trial sa produksyon ng sibuyas sa bayan kung saan ang resulta nito ang magtutukoy ng angkop na barayti na magiging basehan ng mga interbensyong maaaring ibigay ng ahensya bilang suporta.

Ipinakita nito ang kakayahang makapag-produce ng ibang commodity katulad ng sibuyas ang bayan ng Tanza na mas kilala sa pagpapalayan.

Sinuportahan ang aktibidad ng mga kawani mula sa lokal na pamahalaan ng Tanza at probinsya ng Cavite at mga kawani ng DA-4A HVCDP at Agricultural Programs Coordinating Office.

https://web.facebook.com/DA4CALABARZON