Ginanap ang Launching cum Turn-over ceremony ng proyektong Off-Season Vegetable Production in Palawan, sa Puerto Princesa City, ika-16 ng Pebrero.

Naglalayon ito na hikayatin ang mga Farmers Association, Agri-preneurs at mga Rural Agriculture Center (RAC) na magtanim at mag-produce ng mga gulay buong taon upang hindi na sila umangkat ng mga gulay mula sa labas ng Palawan, makapagbigay ng karagdagang kita para sa mga magsasaka, at ihanda ang mga magsasaka para sa pabago-bagong klima na nararanasan ng bansa.

Isa ang Palawan sa tatlong probinsya na napili kasama ng Iloilo sa Visayas at Bukidnon sa Mindanao para maging pilot area para sa proyektong. Pinili ang mga probinsiya dahil sa mga geographical location nito na bihirang daanan ng mga natural na kalamidad gaya ng bagyo at lindol.

Higit Php 12 milyong halaga ng agricultural items and equipment ang pinamahagi ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Provincial Government ng Palawan at ito ay ibabahagi sa mga RAC ng probinsiya sa mga bayan ng Dumaran, Taytay, Bataraza, Rizal, Sofronio EspaƱola at Narra.

Ginanap rin ang ceremonial Memorandum of Agreement (MOA) Signing sa pagitan ng Kagawaran at Probinsya para sa counterparting scheme na kung saan ang PLGU ay direktang makikipag-ug
nayan sa kagawaran patungkol sa tamang proseso ng implementasyon ng proyekto.

Ang PLGU ng Palawan ang mamimili ng mga clustered farms na magiging beneficiary ng nasabing proyekto. Kinakailangan na ng assorted lowland vegetables sa target area na 200 hectares farm land. Ang mga napiling benepisyaryo rin ay may kakayahan makapag-provide ng kanilang counterpart tulad ng area, tubig, at labor para sa operation at maintenance.

Samantala, ang DA-MIMAROPA naman ang nagbigay ng pondo para sa proyekto. Ito ang ginamit upang mabili ang mga agricultural items at equipment na ipinamahagi. Ang kagawaran din ang nakatakdang mangasiwa ng mga technical training at assistance sa mga benepisyaryo upang maging matagumpay ang proyektong ito.

Pinangunahan ang programang ito ng DA-MIMAROPA sa pamumuno ni RED Engr. Ma. Christine C. Inting, RTD for Operations Dr. Celso C. Olido at Regional HVCDP Focal Person Renie B. Madriaga.

Dinaluhan rin ito ni DA HVCDP Director Gerald Glenn F. Panganiban, Gov. V. Dennis M. Socrates, Chairman Committee on Agriculture Ariston D. Arzaga, Assistant Provincial Agriculturist Arthiel K. Rodriguez at mga presidente at miyembro ng mga samahan ng vegetable growers mula sa bayan ng Dumaran, Taytay, Bataraza, Rizal, Sofronio EspaƱola, at Narra.

Source: DA RFO MIMAROPA Facebook Page

https://www.facebook.com/DARFOMIMAROPA