Tatlong hauling truck at isang traktora ang ipinagkaloob ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) High Value Crops Development Program (HVCDP) sa apat na samahan ng mga magsasaka sa rehiyon noong ika-6 ng Setyembre sa Lipa City, Batangas.
Sila ay ang Lusiana Cacao Growers Association, SICAP Agriculture Cooperative, Brgy. Abo Farmers Association, at Lumban Vegetable Farmers Association.
Pinangunahan ang aktibidad ni Regional Director Milo delos Reyes kasama si Field Operations Division Chief at HVCDP Focal Person Engr. Redelliza Gruezo.
Source: DA RFO 4A Facebook page – https://www.facebook.com/DA4CALABARZON