Nagsagawa ang Kagawaran ng Pagsasaka ng pangatlong araw ng Assessment ng DA Intervention at Monitoring ng Area Production nitong ika- 22 ng Pebrero sa tatlong munisipyo ng Pampanga kabilang ang Bacolor, Arayat at Magalang.
Ito ay sa pangunguna pa rin ng Office of the Secretary sa ilalim nina Project Evaluation IV Julito Velasco, Project Development Officer Roberto Villa, Project Evaluation IV Dante Fidel at Executive Assistant Loreto Panganiban.
Bumisita rin ang monitoring team kay OIC- Provincial Agriculturist Jimmy Manliclic bago magtungo sa cold storage facility ng Ventorillo Management Corporation at sa mga magsasaka ng sibuyas.
Nakapanayam ng monitoring team ang magsisibuyas na sina Fidel Dumas mula Bacolor, Rustico Bondoc mula Magalang at Jerry Guese mula Arayat. Ang bawat isa sa kanila ay tinanong patungkol sa kanilang tanim na sibuyas.
Ang monitoring team ay binuo muli ng mga representante mula Bureau of Plant Industry, Agricultural Credit Policy Council, High Value Crops Development Program (HVCDP) Central Office at Regional HVCDP ng Gitnang Luzon.
Ito ay naging posible rin sa tulong nina Arayat Municipal Agriculturist Rodel Lising, Bacolor Muncipal Agriculturist Janette Wong at Magalang Municipal Agriculturist Royce Lising.

Credit to DA Central Luzon Facebook Page
https://web.facebook.com/DARFO3