Isinagawa ang unang araw ng Monitoring of Onion Production, Distribution Performance at Assessment of DA Interventions sa lalawigan ng Tarlac nitong ika-16 ng Enero sa pangunguna ng Department of Agriculture – Office of the Secretary (DA-OSEC) Monitoring Team at High Value Crops Development Program (HVCDP) Central Office kasama ang Regional HVCDP ng Gitnang Luzon.

Bago magsimula ay nagkaroon muna ng courtesy call sina Project Evaluation IV Julito D. Velasco ng DA-OSEC, Project Development Officer IV Jose Jeffrey D. Rodriguez ng HVCDP Central Office, Regional HVCDP Focal Person Engr. AB David at Regional HVCDP Report Officer Christine Joy Corpuz sa Office of the Provincial Agriculture (OPA) na pinamumunuan ni Provincial Agriculturist Alicia Cruz.

Matapos nito ay sunod na binisita ng Monitoring Team ang sakahan ng sibuyas mula sa bayan ng Camiling at Moncada kasama ang OPA Tarlac Team na sina HVCDP Coordinator Michell Baino at Agriculture Engineering Coordinator Lester Dulay.

Layunin nitong mamonitor ang aktuwal na lugar na tinaniman ng sibuyas at kung ano ang inaasahan at aktuwal na dami ng ani nito.

Dagdag pa sa layunin ay upang malaman ang farm gate price mula sa mga pangunahing lalawigang nagsusuplay ng lokal na sibuyas alinsunod na rin sa biglaang pagtaas ng presyo nito ngayong taon.

Naging kaakibat rin sa naturang field verification sina High Value Commercial Crops Coordinator Lord Aquino at Agriculture Extension Worker Janice Agustin na mula sa Municipal Agriculture Office ng Camiling. Mula naman sa Moncada ay sina Municipal Agriculture Officer Eduardo Balgos Jr., Municipal HVCDP Coordinator Jovelyn Gabriel at Agricultural Technician Carlos Manrique.

#DAsaGitnangLuzonKatuwangsaPagAhon

Source : Department of Agriculture Central Luzon Facebook Page

https://www.facebook.com/DARFO3