Isinagawa ng DA-HVCDP ang ebalwasyon at pagsubaybay sa mga ipinamahaging interbasyon sa rehiyon.

Layunin nito ay makapanayam ang ilang benepisyaryo upang masuri ang kaangkupan at kapakinabangan ng mga binhi, kagamitan, makinarya at imprastraktura na ipinamahagi ng kagawaran.

Pinangunahan ni Engr. Redelliza A. Gruezo, OIC-Chief, Field Operations Division/ HVCDP Focal Person at Ms. Lucila Roselle Balancio at Mr. Mon-Jusyl Alva, mula sa DA-HVCDP National Office ang pakikipagpanayam sa mga benepisyaryo.

Isa sa mga nakapanayam ng grupo si Gng. Emilia Rosales, pangulo ng Samahan ng Magtatanim ng Gulay sa Mamala 1.

“Malaking tulong ang mga natanggap naming interbasyon mula sa DA sapagkat nakabawas ito sa aming kagastusan sa paggugulay at unti-unting umuunlad ang aming samahan” ani Gng. Rosales.

Kabilang sa pinuntahan ng grupo ang mga bayan ng San Pedro City, Pila at Sta. Cruz, Laguna, Lipa City at San Jose, Batangas, at Gumaca, Atimonan at Sariaya, Quezon.

Nakibahagi rin sa aktibidad si Ms. Janice Fajardo, Regional Vegetable Focal Person at mga HVCDP staff.

Source : HVCDP CALABARZON FB Page

https://www.facebook.com/DA.RFO4A.HVCDP/posts/pfbid02C7gX1Yhj8MJPx2Tbj2k5xgEQ9ikTUSuMeycessxbP7u7xD8pe8uRvzpjG1H5RvdLl