Ang Lowland Vegetable Technology Demonstration ay isang inisyatibo ng Kagawaran ng Pagsasaka ng Gitnang Luzon sa ilalim ng High Value Crops Development Program, alinsunod sa National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP) na naglalayong magtanim ng gulay hindi lamang sa kanayunan kundi sa mga lungsod na lugar upang matiyak ang seguridad ng pagkain.
Ang proyektong ito ay naitayo sa New Gen Agri-Farm Training Center, Inc. sa lugar ng Brgy. San Francisco, Lubao, Pampanga sa pamumuno ni Ginang Maria David na siyang tumatayo bilang kooperator. Sa pakikipagtulungan ng Kagawaran sa mga kilalang pribadong kumpanya ng mga buto sa Pilipinas, gaya ng Ramgo International Corporation, Allied Botanical Corporation, East West Seed Company at Enviro Scope Synergy Incorporated, ang 4,000 sqm. na lupa ay natamnan ng ibat ibang klase ng pang pakbet na gulay gaya ng talong, kamatis, ampalaya, sitaw, kalabasa at marami pang iba. Ang isang kumpanya ay pinaglaanan ng tig 1,000 sqm na lupa upang tamnan ng ibat ibang ipinagmamalaki nilang barayti ng gulay na mayroon din ang kanilang kasamahan. Ang proyektong ito ay hindi lamang naglalayong ipakilala ang kanilang mga barayti ng gulay kundi upang maturuan ang mga magsasaka na palay at mais ang pangunahing hanapbuhay.
Ang Lowland Vegetable Technology Demonstration ay sinimulang maitayo noong April 21, 2022 at sinundan ng walong (8) magkakaibang araw ng pagsasanay upang mahasa ang mga magsasaka sa tamang pagtatanim ng mga gulay. Ang mga paksa mula sa tamang paghahanda ng lupa, punla, pagbabalag, pag aabono, pangangalanga sa insekto at mga sakit hanggang sa pag aani ay naituro ng ibat ibang eksperto sa paggugulay sa mga magsasaka.
Ngayong ika-11 ng Agosto sa taong kasalukuyan, ang Lowland Vegetable Technology Demonstration Harvest Festival ay idaraos at ang mga animnapu’t anim (66) na magsasakang masipag na nakilahok sa proyekto ay tatanggap ng “Certificate of Completion” bilang pagkilala sa kanilang pagtatapos.
Source: DA HVCDP RFO 3
Images : RFO 3 RAFIS