Naisagawa kahapon, ikalawang araw ng Agosto, taong 2022 ang Turn over of Packaging House para sa Sagulay at Banana Farmers Association sa Barangay Caldong, bayan ng Sampaloc, Quezon. Ito ay naglalayon na mas mapaayos ang kaligtasan ng iba’t ibang gulay at saging at mapaganda ang pag pakete ng nasabing produkto.
“DA Family, we’re behind you, this is not an end but only the beginning of an end.”
Anya ni Ginoong Zaldy Garigez, representative ni Cong. Mark Enverga para sa pasasalamat sa patuloy na suporta ng Department of Agriculture.
“Ang gobyerno ay hindi magsasawang tumulong kung talagang nakikitang nagpupursigi ang mga tao.”
Anya ni Engr. Redelliza A. Gruezo, OIC Chief of Field Operations Division
“The realization to run and to develop at pagandahin ang isang bayan, hindi kaya magisa. Hindi kaya ng isang mayor, kung wala ang tulong ng lahat.”
Anya ni Mayor Noel Angelo T. Devanadera
Sinundan ito ng Package of Technology Training na pinangunahan ng tatlong tagapagpamahagi ng karunungan mula sa iba’t ibang dibisyon ng DA. Ikahuling aktibidad ang field day, tampok ang dalawang ektaryang kamatisan ng nagretirong marino si Ginoong Edward R. Principe.
Nagtapos ang araw na may bitbit na tuwa ang mga mag gugulay ng bayan ng Sampaloc dahil sa mga bagong kaalaman na kaninang ibinaon pag uwi.
Writer and Photographer: Ms. Veronica Carrillo – Agriculturist I
Content source: DA HVCDP Calabarzon Facebook Page